Linggo, Enero 20, 2013
"Fight the economy, Shop to save jobs"
Lahat ng malls o departamento na ipinapatayo pampubliko man ito o pampribado ay may kanya-kanyang role at diskarte upang makatawag pansin sa mga shoppers o mamimili. Isa na rito ay ang pagbaba ng halaga ng ilang mga item tuwing espesyal na araw tulad ng christmas season. Dahil sa mga departamentong ito at mga diskarteng ginagawa ng mga business owners, napapataas nila ang demand ng negosyo nila at the same time ay nagkakaroon din ng benepisyo ang gobyerno sa pamamagitan ng mga buwis na binabayaran nila.Ang mga benipisyong ito ay naipapamahagi ng gobyerno sa pagtulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tao o trabahador sa mga establishments na ipinapatayong pang-gobyerno.
"Shop to save Jobs"
Ibig sabihin nito na kapag bumili at nagshopping ka sa isang mall mapapataas ang demand nila dahilan upang magdagdag sila ng mga item at gusali na mangangailangan ng mga tao. Nangangahulugan ito na tayong mga shoppers din ang nagbibigay ng trabaho sa mga walang trabaho dahil sa mga perang naipapamahagi natin sa pagbili ng mga items na ito. Hindi lamang ang mga malls ang napapayaman natin kundi pati ang ekonomiya natin na ating tinatangkilik sa pagbili ng sariling produkto natin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)