Biyernes, Disyembre 14, 2012

ECON101



"PEOPLE FACE TRADE OFFS"


          Para makuha mo ang isang bagay na gusto mo, kailangan mong igive up o isakripisyo ang isang bagay na gusto mo para makuha mo ito. Yan  ang mga "trade offs" na karaniwang nangyayari sa araw-araw na pamumuhay na tao.
         Isa sa mga "trade off" na maihahalintulad ko sa buhay ko ay ang pagbili ng isang bagay na gusto ko pero naipagpapalit ko sa isang bagay na gusto ko rin at siya ring halaga nito. Tulad na lamang ng isang sitwasyon sa pagbili ng sapatos at pantalon. Gusto ko sila pareho pero hindi kasya sa budget ko, kaya kailangan kong magdesisyon sa dalawa kung anong mas kailangan ko at kapag nabili ko na, nag-iipon ulit ako para mabili ang isa. Pangalawa ay ang pagpili kung pagtatrabaho nalang ba o pag-aaral ko? Alam kong importante silang pareho sa buhay ko pero kung iisipin, kung magtatrabaho nalang ako, makakapag-ipon ako ng pera at mabibili ko ang mga bagay na gusto ko hindi tulad sa pag-aaral na imbes na makapag-ipon ay  parang nagtatapon lang ng pera ng ilang taon. Para sa akin, mas mahalaga pa rin ang pag-aaral ngayon dahil kung hindi man ako makapag-ipon financially, makakapag-ipon naman ako ng mga kaalaman at kasanayan na magagamit ko sa paghahanap ng trabaho. Mas pipiliin ko pa rin ang pag-aaral dahil ito ang magsisilbing investment ko para makakuha ng isang maayos na trabaho at magkaroon ng degree.