Economics
Linggo, Enero 20, 2013
"Fight the economy, Shop to save jobs"
Lahat ng malls o departamento na ipinapatayo pampubliko man ito o pampribado ay may kanya-kanyang role at diskarte upang makatawag pansin sa mga shoppers o mamimili. Isa na rito ay ang pagbaba ng halaga ng ilang mga item tuwing espesyal na araw tulad ng christmas season. Dahil sa mga departamentong ito at mga diskarteng ginagawa ng mga business owners, napapataas nila ang demand ng negosyo nila at the same time ay nagkakaroon din ng benepisyo ang gobyerno sa pamamagitan ng mga buwis na binabayaran nila.Ang mga benipisyong ito ay naipapamahagi ng gobyerno sa pagtulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tao o trabahador sa mga establishments na ipinapatayong pang-gobyerno.
"Shop to save Jobs"
Ibig sabihin nito na kapag bumili at nagshopping ka sa isang mall mapapataas ang demand nila dahilan upang magdagdag sila ng mga item at gusali na mangangailangan ng mga tao. Nangangahulugan ito na tayong mga shoppers din ang nagbibigay ng trabaho sa mga walang trabaho dahil sa mga perang naipapamahagi natin sa pagbili ng mga items na ito. Hindi lamang ang mga malls ang napapayaman natin kundi pati ang ekonomiya natin na ating tinatangkilik sa pagbili ng sariling produkto natin.
Biyernes, Disyembre 14, 2012
ECON101
"PEOPLE FACE TRADE OFFS"
Para makuha mo ang isang bagay na gusto mo, kailangan mong igive up o isakripisyo ang isang bagay na gusto mo para makuha mo ito. Yan ang mga "trade offs" na karaniwang nangyayari sa araw-araw na pamumuhay na tao.
Isa sa mga "trade off" na maihahalintulad ko sa buhay ko ay ang pagbili ng isang bagay na gusto ko pero naipagpapalit ko sa isang bagay na gusto ko rin at siya ring halaga nito. Tulad na lamang ng isang sitwasyon sa pagbili ng sapatos at pantalon. Gusto ko sila pareho pero hindi kasya sa budget ko, kaya kailangan kong magdesisyon sa dalawa kung anong mas kailangan ko at kapag nabili ko na, nag-iipon ulit ako para mabili ang isa. Pangalawa ay ang pagpili kung pagtatrabaho nalang ba o pag-aaral ko? Alam kong importante silang pareho sa buhay ko pero kung iisipin, kung magtatrabaho nalang ako, makakapag-ipon ako ng pera at mabibili ko ang mga bagay na gusto ko hindi tulad sa pag-aaral na imbes na makapag-ipon ay parang nagtatapon lang ng pera ng ilang taon. Para sa akin, mas mahalaga pa rin ang pag-aaral ngayon dahil kung hindi man ako makapag-ipon financially, makakapag-ipon naman ako ng mga kaalaman at kasanayan na magagamit ko sa paghahanap ng trabaho. Mas pipiliin ko pa rin ang pag-aaral dahil ito ang magsisilbing investment ko para makakuha ng isang maayos na trabaho at magkaroon ng degree.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)